Kasambahay tinadtad ng saksak sa ulo, dedo

TADTAD ng saksak sa ulo nang makita ang wala nang buhay na kasambahay sa loob ng bahay ng amo sa Navotas, kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Rhodora Ordoñez, 46 stay-in sa B. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Sa pahayag ni Camille, anak ng amo ng biktima, nasa ikalawang palapag siya ng kanilang bahay dakong ala-1:30 ng madaling araw nang makarinig ng mga katok sa pinto sa unang palapag.

Hindi pinagbuksan ni Camille ang kumakatok subalit nang bumaba ang una ay laking gulat nang makitang patay na ang biktima at tadtad ng saksak sa ulo.

Humingi ng tulong si Camille sa mga barangay tanod na agad nakaresponde at nakatawag ng pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung may nawawalang gamit sa bahay at iniimbestigahan ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply