Bangsamoro history isasama sa curriculum

IPINANUKALA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na isama sa curriculum sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ang kasaysayan ng Moro o Bangsamoro.

Ayon kay Rep. Edgardo Angara (Lone District, Aurora), inihain niya ang House Bill No. 270 dahil kailangan na malaman ang problema ng Moro, na historical at systematic marginalization at minoritization ng Islamized ethno-linguistic groups na kinabibilangan ng Moro nation o Bangsamoro.

Naniniwala ang solon na maaaring itatag ang kapayapaan kung magkakaroon ng pag-unawa ang bawat isa.

“Matagal nang hindi nagkakaroon ng magandang relasyon ang Muslims at Christians. At matagal na rin nating inaasam ang lasting peace sa pagitan ng Muslims, Christians at Lumads,” sabi ni Angara.

Ayon kay Angara, nag-umpisa ang problema buhat pa noong Spanish era at sinundan ng Americans, at pinakahuli ang humalili — Philippine governments na pinangibabawan ng mga piling-tao na may Christian-Western orientation.

“Ito ang background ng kasalukuyang armed struggle na nakapaloob noon pang late 1960s at early 1970s at nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon. Ang kapayapaan ay nagsisimula sa puso’t damdamin ng isang tao. Isa sa pinaka-importanteng institusyon para rito ay ang paaralan o educational system,” dagdag pa ni Angara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply