Kasikatan ni Coco Martin di maawat

WALA na talagang makaaawat pa sa kasikatan ni Coco Martin. Aba! ginawan na siya ng sarili niyang teleserye sa ABS-CBN na Walang Hanggan na isang toprater, ngayon naman ay ginawan na rin siya ng sarili niyang mainstream movie ng Star Cinema, ang Born To Love You kasama ang Star Power grand winner na si Angeline Quinto na nagbabadyang maging isang box-office hit!

Mismong ang publicist ng Star Cinema na si Manay Ethel Ramos ay tinawag siyang Hari ng Primetime. Naku hindi kaya mag-react ang kampo ni Piolo Pascual dito?

Anyway isang romantic movie ang Born To Love You at marami silang kissing scenes rito ni Angeline. Siya nga ang nakauna sa mga labi ng singer/actress.

“Ang hindi alam ng mga tao, marami nga kaming kissing scenes rito ni Angeline, pero ang dami rin  naming sampalan scenes. Sumakit ang pisngi ko sa rami ng sampal na inabot ko sa kanya. Sabi ko nga, baka kalimutan na niya kami pagkatapos nang movie kasi sigurado akong pag naipalabas na ang movie namin ay lalo pa siyang sisikat nang husto. She’s a natural! Ang galing niyang artista,” puri ni Coco.

Maraming fans niya ang nami-miss ang dating Coco Martin na minahal nila noon sa mga una niyang pelikula na Masahista, Serbis, Tambolista at iba pa na mga indie films kung saan wala siyang pakialam na naghubad at ipakita ang lahat-lahat sa kanya.

Tanong ng fans niya kung hindi na ba siya gagawa ng mga ganoong uri ng pelikula dahil isang sikat na aktor na siya ngayon? Binabawalan na ba siya ng ABS-CBN na gumawa ng mga mapangahas na infdie films?

“Hindi naman. Walang nagbabawal sa akin. Hindi ko rin tinatalikuran ang indie films kasi ryan ako nagsimula. Sa katunayan, may ginawa akong isang indie film para sa Cinemalaya this year. Okey rin sa akin ang nudity. Basta ba justified ang gagawin kong paghuhubad, why not? Ginawa ko na ang maghubad noon, pwede ko pa rin gawin ulit yun. Basta makabuluhan ang project, go!” paliwanag ni Coco.
***
Nagulat naman kami at baklang-bakla kung magsasagot ng mga tanong si Angeline Quinto. Parang walang-wala sa image niya sa public na prim and proper na maganda at magaling na singer. Nandyan ýung pang-amin niya na sadya raw niyang sinabi na kumupas na ýung kwintas na binigay sa kanya ni Coco para raw bigyan siya ulit ng bago ng aktor.

Anyway nagpapakatotoo lang naman siya kaya hayaan na natin!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply