Kaso ng dengue sa Naga tumaas

NAGBABALA ngayon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod ng Naga.

Batay sa pagtataya tumaas ng 82% ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa naturang lungsod.

Ito ang kinumpirma ni Dr Vito Borja, City Health Officer at Dr Joeframel Paz, Assistant City Health Officer ng lungsod.

Ayon kay Dr Paz, noong 2011 simula sa buwan ng Enero hanggang Abril ay umabot lamang sa 133 ang kaso sa 27 mga barangay ng lungsod, habang ngayong taon sa kaparehong mga buwan ay umabot na sa 245.

Kinumpirma pa ni Paz  na sa kabila nito, wala pa namang idinideklarang outbreak ng dengue ngayon subalit bumuo na sila ng Dengue Task Force para bigyan ng solusyon ang naturang problema.

Samantala, namigay naman ng isang milyon ovicidal traps ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ang ovicidal traps ay mabisang panlaban sa lamok na may dalang dengue virus. Nakaa-attract ito ng lamok hanggang dito sila mangitlog na kalaunan ay magiging kiti-kiti ngunit mamamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply