Kaso ng dengue sa Region 1 tumaas

LAOAG CITY – Patuloy na tumataas ang kaso ng dengue sa Region 1 makaraang makapagtala ng 77 na panibagong kaso ng sakit sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa ulat ngayon ni Dr. Rogelio Balbad, chairman ng Committee on Health sa nasabing lalawigan, na wala pa namang namamatay sa nasabing bilang.

Kamakailan, tumaas din ng 30 porsiyento ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.

Ipinag-utos na rin ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng kampanya upang puksain ang nakamamatay na sakit.

Maging ang mga barangay ay hinikayat na magkaroon ng kampanya laban sa lumalalang kaso ng dengue.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply