Kaso vs Corona, tumibay sa waiver – House panel

MALAKI ang paniniwala ng House prosecution panel na lubha pang lumakas ang kaso laban kay Chief Justice Renato Corona matapos maghain ito ng waiver sa impeachment court hinggil sa kanyang dollar account at peso account.

“Malinaw ito sa puntong ito na napalakas ng prosecution panel ang kaso laban kay Corona at hanggang ngayon, hindi pa sinasalungat ng depensa ang aming alegasyon,” ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo.

Idinagdag pa ni Quimbo na masyado nang huli ang pagkakataon sa pagsuusmite ng waiver ni Corona na walang ibang intensiyon kundi iantala lamang ang desisyon ng impeachment court sa kaso nito.

“The waiver submitted by the chief justice to the Senate impeachment court was no longer useful considering that the details on his multimillion secret peso and dollar accounts had already been exposed by the prosecution and defense witnesses, including Ombudsman Conchita Carpio-Morales,” ayon kay Quimbo.

“Wala nang silbi ang waiver. So, ano pang gamit nung waiver at this point in time?” tanong nya.

“Ang tingin namin dun it’s really too late in the day. I mean if we wanted to be transparent, hindi na namin kinailangan pang makipagbugbugan sa mga bangko, makipag-debate sa kanila para ma-issue ‘yung subpoena.”

“Besides, whatever purpose it was being given has already been met because nakita na ‘yung mga ebidensya at hindi nya natapatan ito ng ebidensya maliban sa kanyang open denial o sa kanyang kwento lang,” patapos ni Quimbo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply