Kasong administratibo vs 3 mahistrado ng CA ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang kasong administratibo laban sa ilang mga mahistrado ng Court of Appeals na nag-ugat sa diumano’y pagkakamali nila sa pagpapalabas ng desisyon laban sa isang construction firm.

Sa isang full court decision, ibinasura ang reklamo laban kina CA Justices Ramon Bato Jr, Juan Enriquez Jr at Florito Macalino na inihain ni Perseverando Fullero dahil sa kawalan ng merito.

Inireklamo ang tatlong mahistrado ng gross misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, paglabag sa Code of Judicial Conduct at gross ignorance of the law.

Ang reklamong administrado laban sa mga mahistrato ay nag-ugat  sa ipinalabas na ruling ng CA nuong August 9, 2010 at February 21, 2011 kung saan pinagbabayad nito ang PMF Construction, gayundin sina Fullero na tumatayong President at General Manager ng Kumpanya at isang Rudy Co ng danyos sa mag-asawang Severino at Melinda Dalangin.

Sinabi ng SC na walang batayan ang reklamo ni Fullero dahil ang desisyon na pinag-ugatan ng kanyang reklamo ay nauna nang pinagtibay ng Kataas-taasahang hukuman nang magpalabas ito ng resolusyon sa apelang inihain ni Fullero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply