Kasong oral defamation, grave threat isinampa vs Tulfo brothers

PORMAL nang nagsampa ng kaso ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto laban sa magkakapatid na sina Raffy, Ben at Erwin Tulfo sa Quezon City Prosecutors Office kaninang ng umaga .

Bandang alas 11:40 kaninang umaga nang magsadya sa Quezon City Regional Trial Court  ang abogadong si Atty. Alex Avisado kasama sina Rozelle Raymond Martin Santiago a.k.a. Raymart at Claudine Margaret Santiago a.k.a. Claudine bago naghain ng mga kasong Serious Oral Defamation at Grave threat kay Prosecutor Vivian Manahan laban sa tulfo brothers.

Bago nagsampa ng kasong kriminal naghain muna ng writ of Amparo ang mag-asawang Santiago sa Clerk of Court upang hilingin sa korte na layuan ng Tulfo brothers ang mag-asawa .

Matatandaang nag-ugat ang awayan sa pagitan ng magkabilang kampo matapos ang naganap na umbagan sa pagitan ng nakakatandang Mon Tulfo at kampo ng mga Santiago sa NAIA Terminal 3 kasunod ng pagbibitaw ng pagbabanta ng magkakapatid sa mag-asawa na inere sa kanilang programang T3 sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply