Katakot-takot na pera mula sa basura sa Pasay City

TALAKAYIN po natin itong nakukuhang limpak-limpak na pera mula sa basura sa kaharian ni Pasay City Mayor Antonino Calixto.

Hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito.

Mantakin ninyo, malaki palang ‘payola’ ang nakukuha ng mga local official ng Pasay City sa pag-apruba ng mga ito para ma-maintain ang kontrata ng isang kontratista sa paghahakot ng mga basura mula sa siyudad ng Pasay.

Alam ba ninyo, ang laki pala ng ibinibigay na ‘payola’ ni Elsa Mercado, may-ari ng IPM, para manatili lang ang kontrata nito sa paghahakot ng basura sa Pasay City.

Simula nang maupo si Mayor Calixto, ang IPM ni Mercado ang siyang nakakuha ng kontrata sa paghahakot ng basura sa Pasay City.

Hindi ko lang alam kung gaano katotoo ang nakuha nating datos kaugnay sa napakalaking ‘payola’na isinus-hol ni Mercado sa mga local official ng Pasay City.

Hindi ko sinasabi na totoo itong datos na nakuha po natin pero kayo na bayan ang bahalang magtagni-tagni kung gaano ito katotoo.

Mula sa alkalde ng lungsod ang payola ay P7 milyon at Vice Mayor – P170,400.

Sa Council naman ay P429,250 at sa administrasyon naman ay P116,299.

Para sa treasurer ay P116,299; GSO – P58,149; budget – P58,149; SW –  P29,074; Engineering – P29, 074; Accounting – P29,074, plus pa sa mga attorney.

Untouchable raw kay Mayor Chipeco

Ano itong ‘pergalan’ (peryahan na front ng pasugalan) ni Jessica sa Brgy. Barandar, Calamba, Laguna na hindi raw  matibag-tibag dahil ipinagmamalaki niya na malakas siya kay Mayor Jun Chipeco?

Mayroon din siyang peryahan na dinudumog ng mga bata at matatanda sa Pila, Laguna.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189-274764,09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply