Katarungan ipaglaban para sa mediamen

KAILAN matatapos ang pamamaslang sa mediamen?

Nagtatanong tayo, mga Bro, dahil isa na namang radio reporter ang pinaslang sa Mati City, Davao Oriental.

Si kasamang Nestor Libaton, 45, na nag-uulat sa dxHM radyo na pag-aari ng Simbahang Katoliko at pinamumunuan ni Fr. Roland Sayman.

Mabuti na lang at nakaligtas ang kasamahan niyang si Eldon Cruz na isa ring volunteer reporter.

GALING SA BARANGAYAN

Ayon kay Nella Duallo, kasamahan ni Libaton sa nasabing radio station, naimbitahan sina Libaton at Cruz sa isang barangayan sa Barangay Ontao, Taragonon, Davao Oriental kamakalawa ng tanghali.

Dumating sila roon sa tanghalian, nakisalo-salo sila sa mga tagaroon at nag-interbyu na rin sila sa mga kagawad ng barangay.

Makalipas ng tanghalian, bumalik na sina Libaton sa Mati City.

Habang binabaybay nila ang daan na sakop ng Mati, dito na nila napansin ang isang motorsiklo na may tatlong sakay na pawang nakasuot ng itim na damit.

Dahil sa tila gustong mag-overtake ang mga ito, pinagbigyan naman nila ito.

Ngunit nagtaka ang dalawa kung bakit hindi naman nag-overtake ang mga suspek kaya huminto sila upang mag-obserba.

Ngunit pagbaba ni Libaton sa motorsiklo sa kabila ng pagsaway sa kanya ni Cruz, dito na siya pinutukan ng baril.

Dalawang bala ang tumapos sa buhay ni kasamang Nestor.

Isa sa ulo at isa sa tagiliran.

Dito na sumibad ang mga suspek patungong Mati City proper.

Dead on the spot si Nestor.

PULIS SUMAKLOLO

Tumawag ng saklolo sa pulisya si Eldon at ilang naparaan sa lugar.

At sa loob ng pitong minuto, may mga tauhan na si Provincial Director Sr. Supt. Perpetuo Macion sa lugar.

Ngunit talagang wala nang buhay si Nestor.

Habang sinusulat natin ito, mga Bro, kasalukuyang nasa pulisya si Eldon Cruz at kinukunan ng salaysay.

Kinukuha sa kanya ang mga posibleng pagkakilanlan sa mga salarin upang madakip ang mga ito.

Kasama na rito ang pag-kilala sa motorsiklo na sinak-yan ng mga killer.

TASK FORCE LIBATON

Nagtayo na ang pulisya ng Task Force Libaton na tutugis sa mga pumatay kay Nestor.

Sana naman may mangyari sa task force na yan.

Sinasabi natin ito dahil nagkaroon na pati ng natio-nal na pagkilos ang Department of Justice at pulisya laban sa media killings ngunit nakalulungkot isiping higit na marami ang hindi naso-solve na mga kaso kaysa nagtatagumpay.

Iilan pa lamang ang mga nadakip at na-convict na gunmen.

Ngunit bibihira na may nakikilala ang task force ng DOJ at pulisya na mga utak ng krimen.

At lalong bibihira, kung meron man, ang nadarakip na mga utak sa pagpatay.

Isa sa mga utak ng pagpatay ang matagumpay na nadakip ngunit sa pagkilos pa mismo ng mediamen na iniugnay sa mga awtoridad.

ROMMEL PALMA

Ano na rin pala ang nangyari sa pagpatay kay Rommel Palma na reporter ng Bombo Radyo?

Isang buwan na makaraan siyang paslangin, wala pa rin tayong naririnig na development sa kasong ito.

Mayroon nang sinasabing mga suspek ngunit sa pagkakaalam natin, bigo pa rin ang mga awtoridad na dakpin ang mga ito.

Matutulad kaya sa kaso ni kapatid na Rommel ang kaso ni kapatid na Nestor?

CALLING GEN. BARTOLOME

Siyempre pa, nakasalalay sa kamay ng buong pulisya ang mga kasong pagpatay sa mediamen.

Kung iimadyinin kasi, ang mga pulis ang madalas na kasama ng mediamen sa kanilang mga trabaho.

Kahit anong pangyayari, madalas na magkasama ang pulis at mediamen.

Sa krimen, magkasama sila.

Sa mga rali, magkasama sila.

Kahit pa sa mga rebolusyon, sa mga gawang terorista, sa mga demolisyon at kung ano-ano pa, magka-sama lagi ang pulis at mediamen.

KAHIT SAAN MAY PAMAMASLANG

Isa pa, mga Bro, nagaganap ang mga pagpatay sa halos lahat ng sulok ng bansa mula Ilocos Norte at Kalinga hanggang sa Metro Manila, Kabisayaan at Kamindanaoan.

At ang mga pulis ang tinatakbuhan ng mediamen sa oras ng kanilang mga kamatayan.

Dahil dito, nananawagan tayo kay PNP Chief  Gen. Nick Bartolome na kumilos nang husto para naman siguruhin ang buhay ng mga kapatid natin sa propesyon.

CALLING THE CONGRESSMEN

Medyo wala tayong naririnig mula sa mga kongresman sa Kamara at Senado kung ano-ano na ang mga panukala nilang mga batas para naman sana sa proteksyon ng mga mamamahayag.

Ang malinaw na sa atin, mga Bro, ay nag-uunahan ang mga ito sa pagrenda sa kalayaan sa pamamahayag sa iba’t ibang anyo.

Hanggang ngayon, wala pa tayong naririnig mula sa kanila ukol sa decriminalization ng libel.

‘Yun bang === pagkakatanggal ng parusang kulong.

Kung meron man, yung magpalaki naman ng danyos ang gusto ng mga mambabatas na ito.

Kung hindi makukulong ang mediamen, gutom naman ang abutin nito sa laki ng danyos
na gusto ng mga mambabatas na ito.

Kawawa naman tayong mediamen.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply