Katiwalaan ‘di pa tuluyang nasosolusyunan- Malakanyang

INAMIN ng Malakanyang na hindi pa lubusang nasosolusyunan ang katiwalian sa hanay ng pamahalaan.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bagama’t naipatupad na ang pagsasaayos sa mga transaksyon sa gobyerno ay may ilang opisyal pa rin ang gumagawa ng katiwalian.

Nauna rito, naglabas ng report kung saan ibinibida ni Pangulong Benigno Aquino na tapos na ang panahon ng korapsyon sa bansa.

Sinabi ni Valte na inihalintulad ng Punong Ehekutibo ang mga naabutang kalakaran na nilinis na sistema sa bidding ng mga proyekto.

Ang mga naturang pagbabago aniya ay hindi pa ganap na naibababa sa buong burukrasya.

Binigyang diin pa ni Valte na hindi naman nalulutas ang problema sa loob lamang ng magdamag at patuloy ang pagtanggap ng mga reklamo upang agad na magawan ng aksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply