Kauna-unahang Indigenous Hospital itinayo sa Nueva Viscaya

PORMAL nang binuksan at pinasinayaan sa pangunguna ng Obispo ng Diocese of Bayombong Nueva Viscaya ang kauna-unahang Indigenous Hospital sa lalawigan.

Sinabi ni Bishop Ramon Villena, na ipinatayo ang Indigenous Hospital ng Diocese ng Bayombong katuwang ang maraming donor sa National Highway, Aritao, Nueva Vizcaya para isulong ang karapatan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga cultural communities na Ifugao, Igorot at Ilokano na kadalasang biktima ng development aggression.

Ipinaliwanag ng Obispo na dalawang aspeto ang naging pundasyon ng IH. Ito ay para gamutin ang iba’t-ibang uri ng sakit ng mga katutubo at ipadama sa kanila ang dignidad bilang tao na anak ng Panginoon.

“Ito ang kauna-unahang Indigenous Hospital dito sa Nueva Vizcaya, sa Region 2,  practically sa buong Pilipinas.We’re always hoping for the indigenous people (IP) in order to uphold their rights and in order to have them, to love them, secure their health or being at ipadama sa kanila na sila ay mga anak ng Diyos. Ang mga IPs po ay sektor ng mga poor people and they are slamming with life. Maraming nangyayayri sa kanila for example itong development aggression kung saan sila ay pinapalayas sa kanilang mga ancestral land,” pahayag ni Bishop Villena sa panayam ng Radio Veritas

Inihayag ni Bishop Villena na ang lahat ng mga katutubo sa Nueva Vizcaya maging sa karatig na Diocese ng Bontoc-Lagawe at Diocese ng Baguio ay makakakuha libreng gamot at konsultasyonn sa itinayong Indigenous Hospital.

Tiniyak ng Obispo sa mga katutubo na magiging “feel at home” sila sa pagpasok, pagpapakonsulta at pagpapagamot sa hospital.

Ipinagmalaki ni Bishop Villena na mayroong dalawang doktor, mga nurses at mga midwives ang hospital na mga katutubo din na produkto ng scholarship program ng Diocese ng Bayombong.

Maging ang mga  health worker sa hospital, aniya, ay mga katutubo din kaya magkakaintindihan sila ng mga pasyente dahil kapareho nila ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply