Kawatan tigbak sa parak, 3 paslit sugatan

UTAS ang isang kilabot na magnanakaw na nakipagbarilan sa pulis sa Cavao City, base sa aulat ng pulisya ngayon.

Nahagip naman sa barilan ang tatlong paslit na pawang sugatan at isinugod sa pagamutan na kinabibilangan nina Nadia Dumacap, 14; Arbayna Umar, 9 at Naksanim Usman, 11 taong gulang.

Ayon sa inisyal report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang engkwentro bandang alas-8:00 ng kagabi sa may Barangay 23-C Boulevard, Davao City.

Samantala, ideneklarang dead on the spot ang suspek na kinilalang si Larry Vallentin, 30-anyos, taga -R. Castillo Agdao, Davao City, na itinuturing na isang kilabot na magnanakaw sa nasabing lalawigan.

Ayon sa PNP, labas-pasok umano si Vallentin sa bilangguan dahil sa pagkasangkot sa nakawan sa lungsod.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang .38 revolver at mga live ammunitions.VERLIN RUIZ

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply