Kaysa makipagbalikan kay Jay-R, Krista Kleiner mas type pang makipaghalikan sa kapwa babae

KAHIT na kabi-break pa lang ni Krista Kleiner rito kay Jay R, hindi maiiwasang magkita pa rin sila lalo na kapag magkasama sila sa isang event. Another thing, parehong nasa Party Pilipinas ang dalawa kaya naman parating nagku-krus ang knilang landas at sa kanilang hiwalayan, si Jay-R raw ang atat na makipagbalikan kay Krista kasi mahal na mahal niya ang nasabing tisay na singer-dancer.

Pero as we heard, wala na raw talagang balak pa ang chick na makipag-reconcile sa rating boyfriend.
Mukhang mas type pa nga ng dancer na makipaghalikan sa kapwa niya babae kaysa sa rating syota.

Nai-post sa internet ang pakikipaglaplaplapan nito kay Mocha na kuha sa 4th anniversary bash ng Playboy Philippines na ginawa sa isang sikat na hotel sa may Roxas Blvd. Ito raw bale ang highlight sa nasabing event.

Saka, may version rin kaming mga naririnig na kaya hindi na feel ni Krista itong si Jay-R kasi hindi naman pala ito kagamit-gamit! Since naging bf niya raw ito ay hindi naman daw sumikat ang kanyang pangalan.

May ganoon? Aba’y may pagka-user pala ang celebrity ito na minsan ay sinubukan ring gamitin si Julio Iglesias nang mag-back-up dancer siya rito. Kaya lang, wah effect kay Julio at hindi siya pinansin ng Icon na International singer. Gamitera gyud!

***

The Buzz, hindi nawawalan ng mga bagong pasabog linggo-linggo

ISA sa matinding sikreto ng The Buzz kung bakit hanggang ngayon ay tinututukan sila ng milyun-milyong televiewers kasama na rito ang mga kababayan natin abroad na may TFC, linggo-lingo kasi ay hindi sila nawawalan ng mga bagong pasabog na tanging sila ang nakaka-scoop!
Yes, hindi na mabilang ang malalaking issue na pinaputok ng The Buzz na nabigyang linaw rin ng mga hosts ng nasabing No.1 showbiz talk show na pinangungunahan siyempre ng ating King of Talk, na si Kuya Boy Abunda with pretty and talented co-hosts Toni Gonzaga and Charlene Gonzales.

Tulad bukas (Mayo 5), aside sa kanilang mga exlusive VTR and live interviews, ilan sa mga expose na dapat ninyong abangan ay ang istorya sa likod ng love triangle raw na namamagitan ngayon sa mag-sweethearts na Angelica Panganiban at Derek Ramsay at ang third party diumano ng hiwalayan ng dalawa na si John Lloyd Cruz.

May up-date rin ang The Buzz sa awayan ng magkapatid na Cristine Reyes at Ara Mina. May istorya rin sila sa bagong movie ni Piolo Pascual at Angelica Panganiban na Every Breath U Take na palabas na sa mahigit 100 theaters nationwide sa May 16. At live guests naman ang buong cast ng pinakabagong fantaserye sa Kapamilya Network na “Aryana” na eere na this Monday. Mapapanood n’yo ang The Buzz, every Sunday at 4:00 PM to 6:30 PM sa ABS-CBN 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply