Kelot binoga sa bus loading bay ng SM Megamall

BINARIL ang isang lalaki sa SM Megamall sa Mandaluyong City, kagabi (Mayo 25), ayon sa ulat ng pulisya.

Isinugod naman agad ang hindi nakikilalang biktima sa pinakamalapit na ospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Blangko ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng krimen pero may hinala na binuntutan ng suspek ang biktima hanggang sa makatiyempo at binaril ito.

Sa pagsisiyasat, may nakitang mga patak ng dugo sa naturang loading bay ng shopping mall pero hindi pa maidetalye kung paano nangyari ang pamamaril.

Ayon sa ilang nakasaksi, narinig na lamang nila ang putok ng baril at nakitang duguang nakahandusay ang biktima.

Hindi naman nahuli ang suspek dahil bigla itong humalo sa makapal na bilang ng taong nagsitakbuhan nang marinig ang putok ng baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply