Kelot dakip sa panghoholdap

KULONG ang isang lalaki matapos hablutin ang isang batang babae bago sinabihan ang nanay ng huli na ibigay ang dalang bag sa Caloocan City, kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Bowie Redovante, 26 at residente ng 4th Avenue ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:50 ng madaling araw, naglalakad si May Anabesa, 38 kasama ang 9-taon gulang na anak malapit sa kanilang bahay sa 2nd St., 1st Avenue ng lungsod nang sabayan ng suspek bago hablutin ang bata.

Tinutukan ng patalim ng suspek bago sinabihan si Anabesa na ibigay ang dalang bag na naging dahilan upang sumunod ang huli.

Nang makuha ang bag ay binitiwan na ng suspek ang bata at nagmamadaling tumakas subalit nagsisigaw si Anabesa na nakatawag ng pansin sa mga nakatambay.

Nagkaroon ng habulan at nang maabutan ay binitbit na ito sa presinto.

Nabawi naman ang bag ni Anabesa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply