Kelot kalaboso sa ‘bato’ sa Caloocan City

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos mahulihan ng mga shabu sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Rodolfo Gaves Jr., 35 ng Commonwealth, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw, nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa pusher na nakilala lang sa alyas na Barok sa 7th Avenue ng lungsod.

Napansin ng mga pulis ang pagiging asiwa ng suspek na naging dahilan upang sitahin at kapkapan ito.

Walang nakuha sa katawan ng suspek subalit nang tingnan ang hawak na kaha ng sigarilyo ay nakita ang limang sachet ng shabu na naging dahilan upang bitbitin sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply