Kelot tagpas ang ulo sa kaaway na mag-utol

TAGPAS ang ulo ng isang lalaki habang hindi pa alam kung mabubuhay ang live-in partner nito matapos silang sugurin at pagtatagain ng kaaway na magkapatid sa lalawigan ng Cebu, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Cebu provincial Police Office, naganap ang karumal-dumal na krimen malapit sa bahay ng mga biktima sa Barangay Kapiyuan, bayan ng Argao, lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si Clarito Nazara, 43, isang construction worker na natagpuang pugot ang ulo, habang nagtamo naman ng malalalim na taga sa likod at balikat ang ka-live-in nito na si Silvia Camahalan, 43, kapwa residente ng nasabing lugar.

Hawak na ngayon ng Argao Police Station ang magkapatid na suspek na kinilalang sina Antonio Solis, 48, at Emilio Solis, 42, kapwa mga magsasaka at kabarangay ng mga biktima.

Ayon kay PO2 Benjamin Herosaga, desk officer ng Argao PNP, base sa salayasay ng mga suspek, ay inunahan lamang nila si Nazara dahil una na silang pinagbantaan nito na papatayin.

Sa pagsalakay ay unang inabot ng dalawa ang live-in partner na si Camahalan, habang tumalon naman sa bintana si Nazara. Mula sa pamamahay ay nahabol si Nazara ng dalawang suspek saka pinagtataga at ng bumagsak ay pinugutan ng ulo.

Matapos ang insidente ay agad na dinala sa pagamutan si Camahalan, habang boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang magkapatid na suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply