Kelot pinagbabaril sa Navotas, utas

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nakatayo sa Navotas, kagabi, Mayo 19.

Dead on the spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa likurang ulo si Enrico Punzalan, 20, ng M. Naval St., San Roque, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-9:45 kagabi, nakatayo ang biktima sa Ferry 4, San Roque nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek at pinagbabaril si Punzalan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply