Kelot problemado sa pera, nag-suicide

NAGBARIL sa sarili ang isang lalaki dahil sa kawalan ng pera sa Malate, Maynila, kagabi (Mayo 2).

Idineklarang dead on arrival sa St. Claire Hospital ang biktimang si Mag Vincent Capulong ng 120 Verse of Paradise St., Calaocan City.

Ayon kay SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 10:45 ng gabi nang naganap ang insidente sa Room 8, 2nd floor, 1053 B. Consuelo St., Malate, Maynila

Sa salaysay ni Elizabeth Capulong, ina ang biktima, dinalaw siya ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Malate at idinadaing ang sobrang kakapusan at pangangailangan nito sa pera.

Aniya, humihiram din sa kanya ng pera ang anak ngunit dahil kapos din ay hindi rin niya ito napagbigyan.

Pumasok ang biktima sa kuwarto ng bahay hanggang sa nakarinig umano sila ng putok ng baril at nakitang nakahndusay ang biktima katabi ang isang kaliber 22.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na paimbestigahan ang pagkamatay nito dahil naniniwala sila na walang foul play at dala lamang ng sobrnag depresyon kaya nagawang magpakamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply