Kelot sinalvage, isinilid sa drum sa Tondo

ISINILID sa drum ang isang lalaki  na hinihinalang biktima ng salvage kaninang madaling araw sa Tondo,Maynila.

Bukod dito, nakabalot din ng packing tape   ang ulo habang nakatali naman ang kamay ng “nylon cord”  nang matagpuan ang bangkay.

Tinatayang ang biktima ay  nasa 40-45 anyos,  may taas na 5’3 , maiksi ang buhok, nakasuot ng asul na pantalon at nakapaa.

Ayon kay PO3 Bernardo S. Cayabyab, ng Manila Police District-homicide section, dakong alas 2:30 ng madaling araw nang matagpuan ang drum sa Road 10, Bongavilla st.,sa Tondo, Maynila.

Posible din binigti ang biktima dahil sa nakitang bakas ng lubid sa kanyang leeg bago ito isinilid sa drum.

Habang may mga galos at sugat ang kanyang kaliwang braso at mga binti.

Kasalukuyan ngayong nasa Cruz Funeral Parlor ang katawan ng biktima para sa autopsiya at safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply