Kelot tigok sa sariling kapatid at ama

UTAS ang isang lalaki nang pagtulungang saksakin ng kanyang sariling ama at kapatid sa Amulung, Cagayan.

Nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang biktimang si Randy Quizzagan, 36-anyos.

Sumuko naman agad sa mga barangay official ang mag-amang sina Conrado Quizzagan, 55-anyos at Roldan, 26, kapwa residente ng Barangay Nabianan, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Amulung, sa pamumuno ng Insp. Erick Gumarang, sa hindi pa malamang dahilan ay nagtalo ang magkapatid at nadatnan ito ni Conrado.

Sa gitna ng pagtatalo, biglang sinaksak ni Conrado si Randy na noon ay lango sa alak.

Iniimbestigahan na ng awtoridad kung ano ang pinag-ugatan ng gulo na humantong sa pananaksak sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply