Kerida ng ka-live-in lamog kay Inday sa GenSan

LAMOG ang isang bebot nang atakehin ng isang alyas Inday matapos maaktuhang nakikipag-sex sa kanyang ka-live-in sa General Santos.

Ayon kay Inday, nawala siya sa kanyang sarili nang maaktuhang nakikipagtalik ang kanyang ka-live-in na itinago rin sa pangalang James kay Amor sa Purok Matinabangon, Barangay Labangal, nasabing lalawigan.

Sa pahayag ni Inday, nagpaalam lamang ang kanyang ka-live-in na tutungo sa bahay ng kanyang pinsan.

Pero dahil sa duda siya sa kinakasama ay sinundan niya ito hanggang sa pumasok sa isang boarding house sa nabanggit na barangay.

Ilang minuto pa nang hindi lumabas ng gate si James ay pinasok na siya ni Inday at dito na naaktuhang nagse-sex ang dalawa.

Dahil sa galit ay binugbog ni Inday ang babae ng ka-live-in.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply