Kidnapping sa bansa dapat tutukan

HINDI lamang umano ang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang dapat na bigyang-pansin ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kundi maging ang problema sa seguridad at lumalalang kidnapping sa Mindanao.

“Sana huwag lang mag-focus kay Corona. Sana tugunan din ang problema gaya ng kidnapping na dekada nang nagaganap sa Mindanao dahil sa kahirapan,” pahayag ng Obispo sa church-run Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinimok ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang pangulo na tutukan at resolbahin ang pagdukot sa anim na dayuhan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Zamboanga Sibugay at Sulu gayundin ang pangingidnap sa dating alkalde ng Carrascal, Surigao del Sur na si Victor Tan.

Dismayado rin si Jumoad dahil inuubos lamang umano ng administrasyong Aquino ang oras at resources ng gobyerno para mapatalsik sa puwesto ang punong mahistrado ngunit pinababayaan nito ang laganap na kidnapping at kahirapan sa rehiyon ng Mindanao.

Matatandaang una nang humiling ang mga bandidong Abu Sayyaf ng P50 milyong ransom kapalit nang pagpapalaya sa kanilang bihag na sina Swiss National Lorenzo Vinsiguerra, Dutch national Ewold Horn, Australian National Warren Rodwell, Japanese National Toshio Ito, Indian National Biju Veetil at isang hindi pa nakikilang bihag habang P70-milyon naman ang hinihinging ransom para sa kalayaan ni Tan. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply