Kim Chiu, Xian Lim totohanan na ang relasyon

HINDI man diretsahang aminin, magkarelasyon na sina Kim Chiu at Xian Lim. Although, parang ilang silang magsalita sa press, hindi rin nila mapigilan ang kanilang sarili na magbigay ng detalye. Sa storycon ng susunod nilang teleserye, the two gave out details, na kung saan, we could imply na talagang sila na nga.

Nalaman nating tinotoo pala ni Xian yung sinabi niyang balak niyang i-pursue si Kim. At kahit na nagprotesta ang ilang Kimeralds by saying na user si Xian, yun pala niligawan na niya si Kim.

Ayon kay Kim ay lagi raw maraming pakulo si Xian na ginagawa and when asked kung ano ang latest na ginawa nito, bagama’t nahihiyang ikuwento, napilitan din siya sa katatanong ng entertainment press.

“Siguro ’yung birthday ko, kasi nang araw ng birthday ko, nasa bundok ako, wala akong signal, nagsu-shooting ako ng The Healing (movie nila ni Batangas Governor Vilma Santos). Tapos nu’ng umuwi ako ng bahay, sa sala, puno ng flowers na naka-heart shaped.

“So, sabi ko sa mga kapatid ko, ‘kanino naman galing ’to?,’ ‘indi namin alam’ (ang isinagot). Tapos bigla siyang (Xian) tumawag, nag-text dahil sinabihan siya ng mga kapatid ko na nasa house na ako,” kuwento ni Kim.

Ano ang na-feel niya that time? Na-appreciate naman niya ’yung effort ni Xian?

“Oo naman. Siyempre, nakagugulat. Nakagugulat na may puno sa sala ng bahay ko. Nakatutuwa.”

Nang matanong si Xian kung saan naman siya kumukuha ng ideas sa mga pakulo niya, aniya, “wala akong pinagkukunan, dito (sabay-turo sa heart niya), d’yan nanggagaling,” na ikinakilig ng ibang press.

“Totoo naman, eh,” dagdag niya. “Hindi ’yan makukuha sa mga libro.”

Hindi ba niya tinatanong si Kim kung kailan siya sasagutin?

Sey ni Kim na natatawa, “naiinitan na ako.” Si Xian naman, hinipan ang kanyang mukha para bigyan ng hangin si Kim kaya lalong nagkantyawan ang press.

Inulit-ulit ang tanong kay Xian and he answered, “hindi, pangit naman siyempreng magtanong ang isang lalaki ng ganu’n, ’di ba? For me, para sa akin, parang sobra namang demanding.

“Lagi ko naman sinasabi na basta ’pag naramdaman ng puso, hindi naman ’yan mapipigilan, eh.”

Kung si Kim naman ang tatanungin, hindi makasagot ang young actress kung ano ba ang tsansa ni Xian pero naa-appreciate naman daw niya ang mga ginagawa ng ka-loveteam lalo na ang effort nito na maging close sa kayang mga kapatid.

Magsisimula pa lang mag-taping ang Ina, Kapatid, Anak and for sure, lalong made-develop sa isa’t isa sina Kim and Xian dahil sa seryeng ito.

So there!

***

Bukod sa may Jake na…
Shaina napuno sa pambababae at pagiging lasenggo ni John  Lloyd?

SA KANYANG official statement, tumanggi si Shaina na magbigay ng anumang komento sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz. Bagamat umamin itong officially break na silang dalawa, naging matipid nga ito sa dahilan at itinikom na lang niya’ng kanyang bibig.

Ito naman ang nakitang pagkakataon ng karamihan sa movie press na nagbibigay ng sarili nilang bersiyon kung bakit nga nagsawa na si Shaina.

Noon pa kasi yung napatunayang selosa si Shaina at lagi na, sa kanilang diskusyon, lumalabas yung may ibang babae si John Lloyd. Isa si Ruffa Gutierrez sa kamuntik nang nagpahiwalay sa kanila noon.

Isa pa, yung natural flirt daw si John Lloyd at nagpapa-cute pa raw sa ibang babae. There are numerous women na sinasabing pinagpapakyutan ni John Lloyd, including exes Liz Uy and Ruffa G.

Isa pang tinuturong dahilan ay yung pagiging alcoholic daw ng aktor. Many times over, na-reveal na yung kapag lasing na, ‘di na kaya nito ang sarili at hitsurang nakatutulog dahil ‘di na nito madala ang kalasingan.

But of course, the most plausible reason ay yung sina Shaina na raw at Jake Cuenca na raw. (That’s not true, darling. It’s Lovi Poe who’s the real love of the fair-skinned actor. – Ed) It is said na smitten si Shaina kay Jake kaya ayan, nakipag-break na siya kay John  Lloyd.

But of course, we should not discount the possibility that there are reasons enough para kumalas nga si babae kay lalaki.

We will not get the truth from them kaya nga hanggang specs lang po tayo.

So there!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply