King James!

MALAS at five fouls agad sa tatlong quarter si LeBron James, ganunpaman ay nagawa nitong bumawi sa fourth canto upang payukuin ang mahinang New York Knicks, 87-70 sa Game 3 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) Eastern Conference playoffs kaninang umaga.

”He just has to stay with it,” wika ni Heat coach Erik Spoelstra. ”He had some turnovers, he had some mistakes but he was able to keep his head in it.”

Umigkas ng 32 puntos, walong rebounds at limang assists ang star player na si James upang ilista ang 3-0 bentahe ng Heat sa kanilang best-of-seven series.

”Bron came in and got at it right away,” sabi ni Dwyane Wade na nagtala ng 20 points at tig apat na rebounds at assists. ”He had an unbelievable fourth quarter.”

Walong turnovers ang nagawa ni two-time NBA MVP James kaya halos buong third period ay nasa bench siya.

Muling pinasok ni Spoelstra si James pagpasok ng fourth canto at dito ay pumukol siya ng 17 puntos para ilagay ang Knicks sa delikadong sitwasyon.

”He was in foul trouble,” ani Bosh na nag-ambag ng nine markers at 10 boards.

”He was struggling a little bit and he had pretty much the whole third quarter to think about what was going. I think that was good for him. I think it really built a desire in him a little bit and then he made sure we got off to a great start in the fourth quarter which was very important for us.”

Bumakas din si Mario Chalmers ng 19 pts. at pitong rebounds sa loob ng 39:44 minutong paglalaro.

Kinapos naman ang 22 points ni Knicks forward Carmelo Anthony para punan ang pagkawala nina Amare Stoudemire, Jeremy Lin at Iman Shumpert.

Sa Lunes nakatakdang tapusin ng Heat ang serye upang maka-abante na sa susunod na playoffs round.

Samantala, nangangamoy sweep din sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at defending champion Dallas Mavericks matapos ang 75-57 panalo ng una sa Western Conference division.

Tangan ng Thunder ang 3-0 bentahe matapos magtala ng 31 puntos si Kevin Durant.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply