Knicks magpapahinga na

PAGTUNOG ng final buzzer ay niyakap ni LeBron James ang katunggaling si Carmelo Anthony.

Umarangkada si James ng 29 puntos, walong rebounds at pitong assists upang ilista ang 106-94 panalo ng Miami Heat laban sa New York Knicks sa game 5 ng 2011-12 national Basketball Association, (NBA) Eastern Conference playoffs kaninang umaga.

Sinelyuhan ng Heat ang 4-1 upang sumampa sa second round playoffs matapos talunin ang Knicks sa kanilang best-of-seven match.

”We do not take this for granted,” ani Heat coach Erik Spoelstra. ”This was a tough series. We feel very good about moving on and it’ll only get tougher from here.”

Makakaharap ng Heat ang Indiana Pacers matapos nilang patalsikin ang Orlando Magic.

”We will savor this win tonight,” sabi ni two-time NBA MVP James. ”And then we get to work tomorrow and get ready for Indiana.”

Nag-ambag din sa panalo ang dalawang star players ng Heat na sina Dwayne Wade at Chris Bosh.

”There’s a lot of pride that takes place in this kind of series,” anya Wade. ”Even though it was a five-game series, it was a very tough series to win. … I thought it helped us. You couldn’t overlook this team.”

Si Anthony ang bumuno ng maraming puntos para sa Knicks matapos magtala ng 35 markers at walong rebounds.

Tabla sa 139 points ang head-to-head scoring matchup nina James at Anthony sa series na ito.

”It was fun, man,” wika ni James. ”He’s one of the most competitive players I’ve ever played against in a playoff series.”

Dumagdag sa opensa ng Knicks si Amar’e Stoudemire na nagtarak ng 14 pts., apat na boards at tig-isang assist at steal.

Samantala, humaba pa ang serye sa pagitan ng Los Angeles Clippers at Memphis Grizzlies matapos manaig ang huli, 80-92 sa Game 5 ng Western Conference match.

Angat ang Clippers sa series, 3-2 at kung sino ang mananalo sa kanila ng Grizzlies ay makakalaban ang top seeded na San Antonio Spurs sa susunod na round.

Winalis ng Spurs ang Utah Jazz sa first playoff.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply