Kolumnista sa La Union tigok sa motorsiklo

PATAY ang isang kolumnista ng lokal na pahayagan at kawani ng ‘Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano’ (Samahan ng mga Manunulat na Ilokano) makaraang mabangga ng motorsiklo sa Barangay Nagsabaran,  San Juan, La Union.

Kinilala ang biktima na si Purisimo Lasaga, 73, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report, naglalakad ang biktima nang mabangga ng humaharurot na motorsiklo na minamaneho ni Rowel Marquez.

Nadala pa sa Ilocos Training and Regional Medical Center ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa mga tinamong sugat.

Samantala, ayon kay Djuna Alcantara, pangulo ng naturang samahan ng manunulat sa lalawigan, malaki rin ang naging kontribusyon ni Lasaga sa larangan ng panitikan upang mapag-ibayo ang pagsusulat sa wikang Iloko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply