Komisyoner, iposas mo si ‘Moris’

KAHIT yata pitpitin mo ang bayag, ‘di paaawat ang isang nangangangalang ‘Moris’ sa ginagawang katarantaduhan sa Bureau of Customs (BOC).

Mantakin mo, nagsilayas na ang mga ‘ogag’ ng nakaraang liderato sa Aduana, pero  si ‘Moris’, ay nariyan pa rin at patuloy ang pangongotong. Kotong diyan at kotong doon umano ang ginagawa ng mamang ito, kwento ng ilang player na nakakuwentuhan ng Chokepoint.

Si ‘Moris’, anila, ay retiradong pulis ng Maynila na nakapasok sa waterfront noong panahon ng nakaraang liderato ng BOC.

Siya’y ipinasok ng isang maimpluwensyang personalidad na ‘tao’ noon ng GMA administration bilang ‘tong kolector’.

Walang ginawa si ‘Moris’ kundi maghanap ng mga negosyante na tuturuang magnegosyo ng iligal sa loob ng Aduana para gawing ‘baka’ (pagkaperahan). Isang ‘Almo’ na kawani ng BOC at kilala sa tawag na ‘Jimmy Black’ ang taga-orbit (taga-ikot) sa mga kokotongan.

Sobra na, tama na ang ginagawa ng ‘Moris’ na yan, ‘yan ang sigaw ng mga player na matinong nagnenegosyo sa ahensyang ito.

Pero teka, sa trabahong pangongotong na ito ni ‘Moris’ sa BOC, ang nasisisi ay si Commissioner Rozzano ‘Ruffy’ Biazon.

Kaya ang suhestiyon natin..aba sir, rendahan mo si ‘Moris’ sa kanyang masamang gawain dahil  sinsisira ang iyong pamamahala.

Malinis ang hangarin ng dating kongresista Biazon para maiayos ang BOC, pero kung may katulad ng isang ‘Moris’ na komokontra sa kanyang pamamalakad, aba’y ‘di mababago ang korap na ahensya, tulad ng Aduana.

Unti-unti nang umaangat ang BOC mula sa nakaluklok nitong imahe, pero dahil kay ‘Moris’, ‘dito tuluyang makaahon sa pag-kakabulid.

Lumaki na ang koleksiyon ng ahensya dahil sa mga bagong patakaran na ipinakilala at inimplementa ni Biazon. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatrabaho ni Biazon sampu ng kanyang mga opisyal at kawani na katulong sa kampanya, sadyang may mga indibidwal na talagang gustong wasakin ang magandang kam-panya ni Biazon.

At isa sa sumisira sa magandang adhikain ni Biazon ay si ‘Moris’.

Komisyoner, kailangan sigurong iposas si ‘Moris’ para ‘di na ito makapaghasik pa ng lagim diyan sa Aduana.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply