Konsyerto ni Lady Gaga tuloy

SA KABILA ng mga protesta laban kay International Pop Diva na si Lady Gaga, tuloy pa rin ang nakatakdang konsyerto nito sa Mall of Asia sa Pasay City  Lunes  at  Martes.

Ito’y makaraang walang ilabas na suspensyon o “ban” si Pasay City Mayor Antonino Calixto sa naturang concert ngunit naglabas lamang sila ng mga panuntunan na kinakailangang sundin ng mga producers ng naturang event.

“We reminded the producers of Lady Gaga’s concert that the show and the event as a whole shall not exhibit any nudity or lewd conduct which may be offensive to morals and good customs,” ani Mayor Calixto.

Matatandaan na nitong MAyo 18, nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Biblemode Youth Philippines na humihiling kay Calixto na kanselahin ang naturang konsyerto.

Nagsumite din sina dating Manila Mayor Lito Atienza at Atty. Romulo Macalintal ng “Letter of concern” kay Calixto na nagpapaalala na maaaring lumabag sa Article 201 ng Revised Penal Code ang konsyerto kung hindi mababantayan ng pamahalaang lokal.

Partikular na tinututulan ng mga konserbatibo ang pag-awit at performance ni Lady Gaga ng kanyang single na “Judas” na labis umanong yumuyurak sa pangalan ng Panginoon at nanghihikayat lalo na sa kabataan ng kasamaan kabilang ang prostitusyon.

Bumuo na si Calixto ng “inspection team” sa pangunguna ng kanilang legal officer na nasa lugar ng konsyerto Mayo 21 at 22 na handa umano na ipatigil ang show kung lalabag ang mga producers nito sa kasunduan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply