Kontraktor ng Maynila kinasuhan ng tax evasion

KINASUHAN ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ng tax evasion ang isang kontraktor sa Maynila.

Ang kinasuhan ay kinilala na si Oscar Repuyan Badillo ng Royal Trust Construction.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na maraming nilabag si Badillo tulad ng hindi pagbabayad ng wastong buwis, pagkabigong maghain ng taunang income tax return (ITR) at hindi pagsusumite ng quarterly ITRs para sa taong 2009.

Ayon sa imbestigasyon, tumanggap si Badillo ng P49.22 million mula sa lungosd ng Maynila para sa kontruksyon ng gusali sa F. Balagtas Elementary School (Phase III) noong 2009 ngunit hindi niya ito idineklara.

Dahil dito, nagkaroon umano si Badillo ng assessed total deficiency income tax liability na umabot sa P30.35 million, kabilang ang surcharges at interests.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply