Kontraktuwalisasyon: Bantayan o buwagin?

SABI ni PNoy, babantayan umano ng kanyang mga tsuwariwap ang kontraktuwalisasyon sa mga obrero.

Isa ito sa mga ‘gud nyus’ umano na ibinalita niya sa mga manggagawa sa kaarawan ng mga ito kahapon, ang Labor Day.

Pero niredyek nito ang panawagan para sa lahatan o akros da bord na P125 kada araw na weyds hayk.

oOo

‘Yang kontraktuwalisasyon ay pagpapatrabaho lang ng limang buwan.

Pagkatapos ng limang buwan, itsapuwera ka na at papalitan ka ng iba.

Sasabihin sa iyo ng iyong employer, mag-antay ka na lang ng tawag kung may bukas muli na trabaho.

Sa huli, tatawagin kang kabilang sa ENDOC o end of contract.

Siyempre, namuti na ang mata mo sa kaaantay ng tawag, wala pa ring tawag.

Susunod na riyan ang pagpapalayas sa iyo sa iyong tinitirhan o inuupahan dahil hindi ka makabayad ng upa. Kung hinuhulugan mo naman ang iyong bahay, darating sa iyo ang notis para maremata na ‘yan.

Kasabay ng ENDOC ang gutom hindi lang sa iyo, kundi sa iyong misis at mga anak.

Ito’y dahil sa wala kang maiipon sa sahod bilang kontraktuwal at kung limang buwan lang ang iyong trabaho, maaaring isa o dalawang taon na hindi ka nakahanap ng iba.

Mas marami yata ang nagsasabit ng karatula na No Vacancy kaysa Now Hiring.

oOo

Sabi ni PNoy, hindi kaya ng mga employer na ibigay ang P125 na weyds inkris. Kaya oki na lang sa kanya ang P10-20 dito.

Alam ba ninyo ang katumbas ng weyds hike o inkris na ito sa loob ng isang buwan?

Nasa katlo lang ng isang kabang bigas.

‘Yung P125 ay katumbas ng dalawang kaban na bigas sa loob ng isang buwan.

oOo

Mga tanong, Suki: Ano kaya kung gawin nating kontraktuwal at bigyan natin sina PNoy ng mumo na dagdag-sahod?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply