Kooperatiba sagot sa milyong jobless na Pinoy

NANINIWALA sina Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at Caritas Manila executive director Fr. Anton Pascual na ang pagkakaroon ng kooperatiba ang solusyon sa kawalan ng trabaho sa bansa.

Sinabi nina Cruz at Pascual na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas na umaabot na sa 38.8 milyong Pinoy sa unang quarter pa lamang ng 2012 ay indikasyon na walang ginagawang programa at hindi maaasahan ang kasalukuyang administrasyon ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kay Cruz, kapag ganitong walang ginagawa ang pamahalaan ay kailangang magkasundo at kumilos ang mga nasa baba o mahihirap na mamamayan para bumuo ng kooperatiba na kanilang masasandalan at magpapa-angat sa kanilang kabuhayan.

Iginiit pa ng mga ito na maiibsan ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas kapag nagkakaisa at mag-bayanihan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatayo ng maliliit na kooperatiba na aalalay sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan ng hindi lamang umaasa sa Conditional Cash Transfer ng pamahalaan na isang panandaliang solusyon.

Samantala, pinayuhan pa ng Arsobispo ang mamamayan na huwag umasa sa pamahalaan dahil walang direksyon ang kasalukuyang administrasyon sa usapin ng kahirapan, kawalan ng hanapbuhay at walang pagpapahalaga sa mga mahihirap.

Itinuturing rin ng Arsobispo na isang uri ng limos sa mga mahihirap ang conditional cash transfer na ipinagmamalaki ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply