Koreano na 7 taong wanted, timbog sa BI

IPINAGMALAKI ng Bureau of Immigration (BI) na ipinatapon na nila pabalik ng South Korea ang isang dayuhan na pitong taon ginawang lungga ang Pilipinas matapos takasan ang kasong fraud at estafa sa Seoul.

Kinilala ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang pinatalsik na dayuhan na si Yang Jung Zik, 61. Si Yang ay isinakay ng operatiba ng Fugitive Search Unit sa Korean Air pabalik ng Seoul noon Mayo 21.

Ang dayuhan ay naaresto ng operatiba ng kawanihan sa Cebu noong Mayo 18, pitong taon matapos dumating sa Pilipinas bilang turista noong Enero 2005.

Ayon pa sa kalatas ng kawanihan, apat na warrant of arrest ang ipinalabas ng korte sa Seoul laban kay Wang dahil na rin sa kasong fraud at estafa na nagkakahalaga ng mahigit sa 400 million Korean won.

Hindi rin tinukoy sa pahayag kung ano ang ginawa ng dayuhan habang nagtatago sa Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply