Koreano nalunod sa Boracay, patay

IMBES na masaya, nauwi sa malagim na trahedya ang pagbabakasyon ng isang Koreano matapos itong malunod sa station 2 sa isla ng Boracay kaninang umaga.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Metropolitan clinic sanhi ng asphyxia o kawalan ng hangin sa baga ang biktima na si Jeong Ki Cho, 34, tubong Kyu Ng Giko Songtan City, Jisan Dog, South Korea.

Sa nakarating na ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente kaninang alaa-8:00 ng umaga sa station 2 ng isla ng Boracay.

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na si Tae Min Park para pumunta at lumangoy  sa malalim na bahagi ng dagat.

Pero maya-maya lamang ay napansin ni Park na hindi na gumagalaw ang kanyang kaibigan kaya iniahon agad niya ito sa tubig sa tulong ng ilang crew, pero sa kasamaang palad ay namatay din ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply