Koreano nasalisihan sa fastfood chain

TIWALANG hindi gagawan ng masama ang dalawang Korean National , nang masalisihan at mawala ang kanilang dalang bag , habang kumakain sa loob ng isang fast food chain sa Intramuros Manila, kahapon ng tanghali.

Dahil dito, agad na nagreport sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Investigation Unit ang biktima na nakilalang sina Lee Seung Hyun, 22, at Jang Chang Wook, 23, kapwa Korean National at pansamantalang naninirahan sa Madrigal Dormitory, sa Intramuros.

Apat naman umano sa mga suspek ang patuloy na inaalam ang kani-kanilang mga pagkakakilanlan , kabilang ang isang babae na mabilis na tumakas bitbit ang bag ng isa sa mga biktima.

Base sa ulat na isinumiti ni SPO2 Pedro Flores, kay Acting chief , P/Sr.Insp. Ramon Meneses, ng MPD-GAIS, dakong 11:00 ng  tanghali,nang maganap ang naturang insidente sa loob ng Chicboy fast food chain na matatagpuan sa loob ng Intramuros.

Napag-alaman sa report ng pulisya, kasama umano ng dalawang Koreano  ang isa pang kaibigan, habang  kumakain sa nasabing fast food na kung saan ay inilapag ng isa sa mga ito ang bag na naglalaman ng Electronic Dictionary at LG smartphone.

Isa umano sa apat na suspek ang humarang sa upuan na pinaglalagyan nila nang bag, makalipas ang ilang minuto ay umalis na ang lalaki.

Hindi naman napansin ng mga biktima na wala na ang bag at nang matapos silang kumain at paalis na ay doon lamang napansin na wala na ang bag na naglalaman ng nasabing gamit na hindi naman batid ang halaga.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayaring ito at nagbigay naman ng kopya ng Close-Circuit Television (CCTV) ang nasabing fast food para sa follow-up operation sa pagkakailanlan sa mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply