Korona kay Floyd Mayweather pa rin

KAMPEON pa rin si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Bagama’t nahirapan si Mayweather, pero nagawa pa rin niyang maipanalo ang huling rounds laban kay Puerto Rican star na si Miguel Cotto para maagaw ang WBA junior middleweight title.

Ilang beses ding na-corner ni Cotto si Mayweather, subalit kahanga-hanga ang kondisyon ng American fighter.

Sa kabila ng pag-akyat ng timbang ni Mayweather sa 154-pounds, hindi naging balakid sa kaniya ang pagiging “natural bigger fighter” ni Cotto.

Batay sa scorecards, 117-111, 117-111, 118-110 tinanghal na kampeon si Mayweather via unanimous decision.

Kasunod ng kanyang panalo, agad na inihayag ni Mayweather na nakahanda na siyang harapin ang anuman magiging desisyon ng korte sa kanyang kaso.

Maalala na ipinagpaliban lamang ng US court ang jail sentence laban kay Mayweather dahil sa laban nito kay Cotto.

Sa isang panayam, inihayag ni Mayweather na bilang isang lalaki, nakahanda siyang harapin ang hatol sa kaniya ng hukuman.

Ang kaso ay nag-ugat sa alegasyon ng American boxer kay 8-division world champion Manny Pacquiao na umano’y gumagamit ng tinatawag na performance-enhancing drug ang Filipino ring icon.

“In life there’s obstacles. When it comes to June 1, I have to accept it like a man,” maikling tugon ni Mayweather.

Samantala, mistulang nagkabati na rin si Mayweather at ang beteranong sportscaster na si Larry Merchant.

Maalala na pagkatapos ng laban noon ni Mayweather at Victor Ortiz, pinagbalingan ng galit ng American champion si Merchant habang nasa kalagitnaan ng interview.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply