Kotse ng isang Bokal sa Cebu nagliyab

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang anak ng isang Cebu provincial board member at tatlong iba pa nang magliyab ang kanilang sinasakyang sports utility van (SUV) sa lalawigan ng Cebu kaninang umaga (Mayo 22).

Nagtamo ng pilay sa katawan ang 2-anyos na hindi pinangalanang anak ni Cebu Provincial Board member na si Sun Shimura at apo ni Daan Bantayan Mayor Luisa Loot. Hindi naman nasaktan ang nagmamaneho ng Ford F-150 na si Jerwin Arisgado, ang police escort na si P03 Ryan Castro at isang yaya ng naturang paslit.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 9 ng umaga sa Don Virgilio Gonzales, bayan ng Medellin sa lalawigan ng Cebu.

Bago ito, lulan ang mga biktima sa nasabing SUV nang biglang lumabas ang air bag ng sasakyan at dumiretso sa isang damuhan at saka ito nagliyab.

Bago pa lumaki ang apoy, nailabas na agad ni Castro ang paslit na anak ni Shimura sa loob ng nagaapoy na sasakyan pero nalihis ng kaunti ang buto sa kamay ng bata.

Pinaiimbestigahan na ngayon ni Shimura ang biglaang pagliyab ng kanyang sasakyan sa mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at Medellin Fire Station.

Sinasabing pitong buwan pa lamang na pagmamay-ari ni Shimura ang nasabing sasakyan kaya ipinaalam na agad ang pangyayari sa Ford Philis, sa Cebu para sa kaukulang disposisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply