Kotse sumalpok sa poste: 4 bagets dedo

PATAY ang apat na kabataan na lulan ng isang kotse makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang poste ng Meralco sa loob ng Ayala Alabang Subdivision sa Muntinlupa City, kaninang madaling araw.

Dead on arrival sa Asian Hospital ang mga biktimang sina Bruce Garcia, 14; Thomas Eric Nguyen,16; at ang magkapatid na Joshua, 15 at Timothy Syyap,18 pawang mga naninirahan sa Ayala Alabang Muntinlupa City, sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Henry Sayson ng Muntinlupa Traffic Bureau, dakong alas-4 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Acacia Lane corner Guijo sts. Ayala Alabang nang nasabing lungsod.

Nauna dito, sakay ng isang Hyundai Elentra (TOQ-397) ang mga biktima habang binabagtas ang kahabaan ng Acacia Lane nang bigla itong sumalpok sa isang poste ng Meralco.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mga biktima sanhi ng pagkabasag ng bungo at pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay SPO1 Sayson, naabutan na lamang nila ang mga biktima na nasa labas na nang kanilang sasakyan at pawang mga duguan.

Agad namang isinugod ng mga barangay tanod ang mga biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi na rin sila umabot ng buhay sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Hindi naman makausap ang mga magulang ng mga biktima na hanggang sa nagyon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sa mga awtoridad hinggil sa naganap na insidente.

Inaalam pa ng pulisya kung mga naka-inom ang mga biktima, gayundin kung sino ang nagmamaneho ng naturang sasakyan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply