Kudos sa bagong pamunuan ng NPC

KONGRATS sa mga bagong halal na pamunuan ng National Press Club.

Base sa kagustuhan ng mga botante at batang media, old en yang alayk, layptaym at regular member, walang nalaglag sa partido na Press Freedom Party.

Aantayin na lang natin ang oath taking ng mga bagong halal bago sila hahawak sa renda ng NPC bilang ating mga tagapaglingkod at lider.

oOo

Pangako ng mga bagong halal, ipagpapatuloy nila ang nasimulang programa ng NPC.

Kabilang dito ang lubos na pagkalinga sa mga miyembro nito at sinomang mediaman na nangangailangan dito.

Magpapatuloy ang pagpapaaral sa mga miyembro na alanganin ang natapos na kurso at iskolarsip ng mga anak.

Naririyan din ang pag-alalay sa mga may kinakaharap na kaso sa anyo ng mga abogado, piyansa at pagpapalaya sa mga nabibilanggong mediaman.

Ang mga pinapatay naman ay makaaasa ng mabangis na pakikipaglaban para sa katarungan.

Ang mga nababalo at nauulila, makaaasa rin ng pagkalinga, kasama na ang mga namamatayan sa sakit at natural na mga dahilan.

Magpapatuloy rin ang pagtatayo ng mga tahanan para sa mediamen ayon sa kakayahan ng samahan.

At magpapatuloy rin ang paghahanap ng mapapasukang trabaho bilang mediamen ng mga miyembro.

oOo

Saksi tayo sa pagpapakita ng NPC ng pagpapahalaga sa mga batang media.

Saksi rin tayo sa katapatan dito ng mga bagong halal na pamunuan.

Kaya namang tiwala tayong magpapatuloy nga ang ganitong mga programa.

Ang naiisip natin, eh, paano tayo makatutulong dito?

O mag-aantay lang ba tayo ng kanilang kalabit sa atin?

Ano ba, kuya?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply