‘Kumpare’ ni CJ Corona sa Palasyo di na aalamin ni PNoy

HINDI interesado ang Malakanyang na alamin pa kung sino ang ‘kumpareng’ tinukoy ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona nagbigay sa kanya ng abiso na kuhanin ang kanyang pera sa bangko noong Disyembre.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na mahirap patulan ang mga sinabing ito ni CJ Corona dahil kapansin-pansin ang paiba-ibang pahayag nito.

“You know, that is very conflicting because if you remember when the CJ went on the media blitz, nagpa-interview sa radyo, nagpa-interview sa TV. The peanut butter gets ticker everyday. So hindi ho namin alam kung talagang may katotohanan ‘yung sinabi ng Chief Justice. Siya po mismo eh, nag-iiba-iba ho ‘yung mga sinasabi niya,” pahayag ni Usec. Valte.

Nauna rito, inamin ni Corona sa Senate impeachment court na talagang nag-withdraw siya ng kanyang pera mula sa ilang bank accounts noong siya ay ma- impeached noong Disyembre 12, dahil may nakapagsabi sa kanya na kaibigan niya sa Malakanyang na ipi-freeze ang kanyang mga pera.

“Doon sa isang interview ang sinabi niya kasi daw may mga kaibigan sila na depositor din ng PSBank na nagsasabing madaldal daw po ‘yung bank manager at kinukwento daw ho ‘yung mga laman ng deposits nila kaya daw ho nila tinanggal ‘yung pera. Ngayon naman, and then in another interview, what the CJ said was kasi daw merong mga nag-timbre daw sa kanila na mga taga-Malacanang that something, that an impeachment complaint was in the offing. So wala ho siyang sinabi about freezing account. Noong nandoon na po siya sa witness stand, sinasabi naman ho nila there is something about freezing account,” anito.

Sa kalaunan, aniya, ay napatunayan naman na hindi na-freeze ang bank accounts ni Corona kaya’t malinaw na nakatanggap ito ng maling impormasyon.

“Were his bank accounts ever frozen? The answer is no. Obviously he got wrong information,” aniya pa rin.

Binigyang diin ni Usec. Valte na hindi importante na magsagawa pa ng loyalty check ang Pangulong Aquino sa hanay ng kanyang gabinete at sa mga opisyal ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply