Kung ayaw ng China: Singapore tatambakan ng saging ng Pinas

TARGET ng Pilipinas ang Singapore para pagdalhan ng mga saging na posibleng ayawan ng China.

Sa katunayan ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na isa ang Singapore sa napisil ng Department of Agriculture (DA) na pasukin ang merkado para sa pag-export ng saging ng Pilipinas.

Matatandaang, kailan lang pinayagan  ng China na makapasok ang 190 containers ng saging ng Pilipinas sa kanilang bansa matapos higpitan ng gobyerno ang export banana ng bansa bunsod ng phytosanitary issue na nagresulta naman ng problema sa mga Davao banana growers.

Pinabulaanan ni Usec. Valte na ang isyu ng Scarborough Shoal ang tunay na dahilan ng paghihigpit ng China sa saging ng Pilipinas at hindi dahil sa phytosanitary.

“It’s always been phytosanitary. If you track the progress of the story, we received one query—hahanapin ko nga kung sino ‘yung nagtanong—even before the issue in Bajo de Masinloc happened. Meron na pong ganitong concern even before that so that strengthens the position that it has always been a phytosanitary issue,” ayon sa opisyal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply