Kung ‘yung ibang artistang natulungan limot na siya: Coco Martin tumatanaw nang utang na loob kay Joy Cancio

MASAKLAP talaga ang buhay sa showbiz lalo na kapag bagsak ka na. Hindi naman natin sinasabing wala ng career itong si Tita Joy Cancio, pero aminin na nating iba na ang sitwasyon ngayon.

Kung dati’y namayagpag talaga si siya bilang producer ng Daisy Siete na lampas rin sa isang dekadang umere bago natigbak sa GMA7, ngayon ay ilan na lang ang titirang alaga sa kanya. Si Rochelle Pangilinan na inaasahan ng nasabing choreographer/producer na hindi mang-iiwan sa kanya, hayun at matagal ng may bagong manager. Mabuti na lang itong sina Sunshine Garcia at Aira Bermudez at nananatiling mga loyal sa kanya.

Kasama ang dalawa sa top-rating gag show ng Kapamilya Network na Banana Split. Ang malungkot lang na side sa buhay ngayon ng kaibigan nating personalidad, my BFFT Pete A., limot na siya ng maraming artistang tinulungan niya noong nagkaroon ng trabaho sa kanyang Daisy Siete. Ang mga artistang ito ay wala ng career at laos na pero ibinangon ni Tita Joy ang kanilang mga karera. Pero siyempre, kung merong ganyan, may mga tumatanaw rin na-man ng utang na looob at isa na sa kanila ay ang isa sa pinakasikat at pinakamahusay nating actor sa kanyang henerasyon na si Coco Martin.

Nu’ng magkita sila ni Tita Joy sa lobby ng ABS-CBN, talagang niyakap ito ng actor tanda ng kanyang pasasalamat at pagtanaw sa napakalaking break na ibinigay sa kanya noon sa Daisy Siete kung saan naging leading-man siya sa isang season nito.

Halos mapaiyak ang Focus E producer sa tinurang ‘yun sa kanya ni Coco. Well, dapat talagang gayahin ng ibang artista diyan ang magandang gesture na ito ni Coco na marunong lumingon at tumingin sa pinagsamahan. Kahanga-hanga gyud!

***

Born to Love You, marami na ang nag-aabang sa sinehan!

MAGAGANDA at marami ang positive feedback ng full-trailer ng Born to Love You, ang pinakabagong pelikula mula sa Star Cinema. The more you watch the trailer, the more it gets you excited to watch the movie! Mukhang isang big success na naman ang pangalawang handog ng Star Cinema for their 19th anniversary.

Marami rin ang naaliw at natuwa sa mga nakakikilig na eksena nina Coco Martin at Angeline Quinto. Hindi talaga maikakaila ang malakas na appeal ng aktor as a leading man lalo pa nga’t alam ng lahat kung gaano s’ya kahusay umarte that’s why he’s being heralded now as the most awarded actor of his generation! As for Angeline naman, mukhang may ibubuga nga sa pag-arte sa big screen ang tinatagurian ngayong Queen of theme songs! In fairness, maganda ang rehistro n’ya sa big screen at natural ang pag-arte! It is also inspiring to take note that as far as Angeline is concerned, everything started with a dream!

Nangarap s’yang maging isang sikat na singer at nakamit naman n’ya ito nang manalo s’ya sa Star Power. At ngayon naman, ang isa pa n’yang pangarap na makagawa ng pelikula at makapareha si Coco ay natupad din! Sabi nga, dreams do come true! Dahil dito, talgang marami na ang nag-aabang na mapanood ang pelikulang Born To Love You na idinirehe ni Jerome Pobocan sa kanyang kauna-unahang mainstream movie. Direk Jerome has been directing for television for almost 15 years now at kasama sa mga naidirek n’ya ay ang mga ABS-CBN topraters na May Bukas Pa, Nasaan ka Elisa? at Mara Clara to name a few. With these past teleseryes, it’s almost sure na maganda din ang kakalabasan ng Born to Love You! the movie is co-produced by Cine Media and also stars Albert Martinez, Eula Valdez, Al Tantay, Malou de Guzman and with the special participation of Tonton Gutierrez. It will also hold its grand red carpet premiere on May 29 at the SM Megamall Cinema 9 at 6 pm.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply