Labor Day rally nagsimula na

UMARANGKADA na ang Labor Day rally ng mga grupo ng manggagawa na nagtipon-tipon sa Ramon Magsaysay High School sa Esapaña, Maynila ngayong umaga.

Nagsimula nang magmartsa ang mga raliyesta na ang ruta ay mula sa España, kaliwa ng Morayta at diretso sa Recto patunggong Mendiola.

Kapuna-puna ang makukulay na banner, streamer at placards na tangan-tagan ng mga raliyesta na kung saan nakasaad ang kanilang pagbubunyi bilang manggagawa at hinaing sa gobyerno.

Iba’t ibang kulay rin ng t-shirt ang suot ng iba’t ibang grupo gaya ng pula na nasa unang hanay ng linya habang puti naman ang nasa bandang gitna.

Naka-asul na t-shirt naman ang mga miyembro ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Habang mayroon ding naka-neon green.

Hindi pa batid ang eksaktong bilang ng mga lumahok sa rally sa España ngunit sinakop nila ang dalawang linya ng west bound nito kaya nagkaroon ng pagbibigat sa daloy ng trapiko sa lugar hanggang sa may tapat ng University of Santo Tomas.

Nagtipon-tipon na rin ang iba pang mga militanteng grupo sa Welcome Rotonda sa Quezon City.

Sa kasalukuyan, sarado na ang west bound lane patungong Maynila, partikular sa bahagi ng España dahil sa mga magpoprotesta kabilang ang grupong Akbayan, Partido ng Mangagawa at iba pang grupo.

Ang mga motoristang magmumula sa Quezon Avenue ay pinayuhan na kumanan sa may Marion, kakaliwa ng Dapitan at diretso patungong UST.

Mamaya ay inaasahang magmamartsa na ang mga militante patungong Mendiola kung saan makakasama ang mas marami pang magpoprotesta.

Kaugnay nito, kahapon (Abril 30) pa lang ay tiniyak na ng kapulisan na nakahanda ang kanilang puwersa sa malawakang kilos-protesta ngayong araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply