Lady guard, call center agent, nilimas ng 3 holdaper

NANLULUMONG dumulog kaninang madaling araw sa pulisya ang dalawang pasahero ng pampasaherong jeepney makaraang matangayan ng humigit kumulang sa P60,000 halaga ng alahas, mamahaling cell phone, at iba pang mahahalagang kagamitan ng tatlong holdaper sa Pasay City.

Kinilala ang mga biktima na sina Marissa Paglinawan, lady guard, 30, residente ng 1691 Jeorge Bocobo St., Malate Manila at Jose Noche, 37, binata, call center agent, ng No. 779 B. Algerira St., Sampaloc, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Mariano Pata Jr., naganap ang insidente dakong 3:30 ng madaling araw May 27, Taft Avenue ng naturang lungsod.

Nabatid na tatlong lalaki ang sumakay sa sinasakyan nilang pampasaherong jeepney at nagpanggap na pasahero.

Makaraang ang isang minuto at habang bumibiyahe ang jeepney sa tapat ng Arellano University sa Taft Avenue, naglabas ng baril at patalim ang mga di pa kilalang suspek at nagpahayag ng panghoholdap.

Tinutukan ang mga biktima ng patalim at baril bago sa pilitang kinuha ang dalang cell phone, mga suot na alahas, ATM Cards, radio transmitter at iba pang mamahaling kagamitan.

Makaraan ang panghoholdap, pinababa ang mga biktima sa bahagi ng Malate, Manila at umarangkada ang jeepney sa naturang lugar.

Malaki ang hinala ng awtoridad na kasabwat ang driver ng pampasaherong jeep dahil hindi na umano nagsakay ito hanggang matapos ang panghoholdap sa mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply