Lakers abante sa playoffs

NABUNUTAN ng tinik ang Los Angeles Lakers matapos ang pahirapang panalo laban sa matitikas na Denver Nuggets, 96-87sa Game 7 ng Western Conference 2011-12 National Basketball Association, (NBA) playoffs kaninang umaga.

Bumira si Pau Gasol ng 23 puntos, 17 rebounds at anim na assists upang ilista ang 4-3 serye bentahe sa Lakers sa kanilang best-of-seven match.

Sasampa sa second round playoffs ang Lakers kung saan ay makakaharap nila ang No. 2 sa WC na Oklahoma City Thunder.

Kinabahan ang mga fans ng Lakers ng lumamang ang Nuggets matapos tumarak ng limang sunod na puntos si Al Harrington.

Isang layup at isang three-pointer ang sinalpak ni Nugget bench player Harrington upang umabante sila, 73-69 may 10:44 pa ang natitirang oras sa fourth canto.

Sumagot naman bigla ang Lakers ng sumalpak ng back-to-back treys mula kina Meta World Peace at Steve Blake para mabawi ng LA ang lamang, 75-73.

Bumakas si Blake ng 19 points, tatlong assists at dalawang rebounds para sa Lakers habang si star player Kobe Bryant ay nag-ambag ng 17 markers at walong assists.

Nag-ambag din si Andrew Bynum ng 16 pts. habang si World Peace ay may 15 points.

Sina TY Lawson at Harrington ang nanguna asa opensa ng Nuggets na may tig-24 points habang dumagdag si Arron Affalo ng 15 pts.

Samantala, nakauna ang Boston Celtics sa Game 1 ng second round playoffs.

Tinalo ng Celtics ang Philadelphia 76ers 92-91 upang ilista ang 1-0 ng una matapos tumikada ng triple-double si rajon Rondo.

”I feel like I could out-quick him. That’s what I did,” sabi ni Rondo na may 13 pts., 17 assists at 12 rebounds. ”We knew they had a foul to give. I told Doc (Rivers) to get me the ball and I could use my speed.”

Si Kevin Garnett ang nanguna sa opensa ng Celtics na may tinikadang 29 points at 11 boards.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply