Witness sa Venson Evangelista slay natagpuang patay

NATAGPUAN ang bangkay ng state witness sa pamamaslang sa car dealer na si Venson Evangelista sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Supt Ulysis Cruz, hepe ng Dasmariñas Cavite Police, nakitang wala nang buhay ang state witness na si Alfred Mendiola kasama ang dalawang iba pang biktima sa bahagi ng masukal na lugar sa ginagawang subdivision sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay Cruz, nakatali ang mga kamay, naka-masking tape ang bibig at may tama ng bala sa ulo at ibang bahagi ng katawan ang tatlong biktima.

Hindi pa malinaw kung paano pinatay si Mendiola at mga kasama nito na posibleng pinatay sa ibang lugar bago itinapon sa naturang lugar.

Si Mendiola ay nasa ilalim ng Witness Protection Program ng Department of Justice dahil na rin sa pagtestigo laban sa magkapatid na sina Roger at Raymond Dominguez, pangunahing suspek sa pamamaslang kay Evangelista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply