Lalaki nanghimas ng mag-ina kulong

KULONG ang isang lalaki matapos hipuan ang kapitbahay na ginang at pagbantaan ang anak na dalagita ng huli sa Caloocan City Lunes ng gabi, Mayo 28.

Kasong grave threat in relation to child abuse at acts of lasciviousness ang haharapin ni Salmero Cartago, 33 ng PNR compd., ng lungsod.

Ayon kay Nora Mariño, 40, dakong alas-8 ng gabi, nakasalubong niya sa paglalakad sa nasabing lugar si Cartago nang biglang hawakan ng suspek ang ari ng biktima.

Nagalit ang suspek subalit pinagbantaan pa ng masama ng suspek na naging dahilan upang humingi ng tulong ang una sa mga barangay tanod.

Nadakip naman ang suspek subalit nakatakas at makalipas ang isang oras ay ang anak naman na dalagita ni Mariño na edad 12 ang nakasalubong ng suspek.

Pinagbantaan rin ng masama ng suspek ang dalagita na naging dahilan upang magsumbong sa mga pulis at nang respondehan ay hindi na nakapalag si Cartago nang damputin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply