Lalaki niratrat sa Kyusi, tigbak

PATAY ang isang 40-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, kagabi (Mayo 31).

Kinilala ni chief Insepctor Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Sannie Fontiveros, binata, walang trabaho, tubong Makati City at residente ng B-2 L-4 Grande Vita 2, 69 Bignay Valenzuela City.

Dead on the spot si Fontiveros dahil sa tinamong limang tama ng bala ng cal. .9mm sa kanyang katawan.

Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente dakong alas-11:00 kagabi sa kahabaan ng Florentino St., Nitang, Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sinabi ni Floralyn Dizon, saksi, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril at nang silipin nito ay nakita niya ang nakahandusay na bangkay ng biktima na wala ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply