Lalaki sa Albay nagbigti dahil sa malubhang karamdaman

WINAKASAN ng isang 39-anyos na lalaki sa lalawigan ng Albay ang kanyang paghihirap sanhi ng malalalang karamdaman kayat nagpasya itong magsuicide na lamang, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Base sa report,  patay na ng matagpuan ang biktima na kinilalalang si Rafael Miravalles y Morcoso, 39, ng Barangay Bascaran, Daraga.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Daraga PNP, wala naman umanong nakikitang foul play sa pagkamatay ni Miravalles.

Napag-alaman kay Brgy. Chairman Teodoro Lengson na bangkay na ng matagpuan ang biktima kung saan nakapulupot sa leeg nito ang nylon chord bandang alas-6:00 ng umaga kamakalawa ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na malalang karamdaman ang dahilan ng biktima para tapusin ang kanyang buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply